Monday, February 23, 2009

AYAW KO NG TULDOK

,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,, kung mapapansin mo, hindi tuldok and simula ng nito. bakit? sa buhay ng tao, pag nilagyan mo ng tuldok, ibig sabihin katapusan na, ayaw ko magtapos ang bihay kong ito sa ngayon, madami pa akong gustong gawin, madami na din akong naranasang mga bagay, ito ang gusto kong ilahad ngayon,

15 lang ako nung nakabuntis ako ng babae, 17 sya nun, kapatid sya ng best friend ko, nung natuklasan ng mga umampon sa akin, agad agad nilang pinuntahan ang pamilya ng babae, nuong mga araw na iyun sa torrance pa ako nakatira, nagkasundo ang amng mga magulang na wag muna kami ipakasal sa halip magsama kami sa isang bungbong, aug 111 ng ipinanganak ang aking panganay, ito ay malaking regalo sa akin dahil aug 13 ang aking kaarawan, lumipas ang 2 taon, nagsadya ang aming mga magulang na kami ay ipakasala dahil na din siguro na napatunayan ko sa kanla na kahit ako ay bata pa, naipakita ko sa kanila ang maging isang responsableng ama sa aking asawa at maybahay. aug 13 din ng kami ay ikasal ng aking asawa kaya doble ang laki ng regalo sa akin, lumipas pa ang 3 taon, ipinanganak aking aking bunso pero may sumalubong na dalubyo sa aming buhay, sinabihan ako ng mga espesyalista na maaring hindi mabuhay ang isa sa aking anak o asawa, sa murang idad na 20, ito ang isa sa pinakamabigat na desisyon na gagawin ko sa buhay ko, 2 araw pa lang nakakalipas ay kaarawan ko at ako ay nahaharap sa ganitong desisyon, sinabihan ko ang espesyalista na kung sino ang mas may malaking tyansa na mabuhay, yan lang ang nasabi ko sa espesyalista. aug 15 isinilang ang aking bunso aug 15 din nawala ang aking minamahal na asawa, masayang malungkot ang buhay dahil nagkaroon at nawalan ako ng mahal sa buhay, sa kadahilanang kailangan ako ng aking mga anak, hindi ko na ininda ang pagkamatay ng aking asawa bagkus inasikaso ko na lang ang aking mga anak, mahirap para sa akin kalimutan agad ang aking minamahal pero kailangan kong gawin para maasikaso ang aking mga anak, minsan tumutulo na lang ang luha ko pag nag iisa ako, minsan sa kotse pag pauwi ako, minsan sa kusina, kahit saan, dumaitng ang araw na may nakilala akong isang dalaga na nagpatibok ulit ng puso ko, masaya kami hanggang sa iang araw ay nabalitaan ko na lang na naaksidente sya at nabangga ng isang trak ang autong minamaneho nya, dun ako nagsimulang nag isip na bakit lahat ng minamahal kong ay nawawala sa akin, una ang aking mahal na asawa pangalawa ang kasintahan ko, nagpasya akong umuwi sa pilipinas at magsimula muli ng aking buhay, iniwan ko ang aking mga anak sa mga taong umampon sa akin at umuwi sa tunay kong magulang sa pilipinas. taong 1993 ng bumalik ako sa pinas, kahit pabalik balik ako sa pinas para mag aral, ngayon ang pasya ko ay para tumira na dito sa lupa ng aking sinilangan, mahirap pala kasi kahit dito ako nag aral, iba pa din pag dito ka nakatira, iba ang ugali ng tao, iba ang ekonomiya, talagang ibang iba, dito sa pinas, pag alam ng tao na galing kang ibang bansa, pagkakaguluhan ka, kaya madami akong nakasalamuhang magagandang dalaga, sa aking pagkakaalam ay nagkaron ako ng isang anak sa isa sa kanila. pero taon 2004 talaga nagsimula ang buhay na tinatahak ko ngayon, itong taon na ito may nakilala akong isang lalake na nagngangalang buraot. napakabait nya sa akin at sya ang tipo ng tao na talagang masarap ka kwentuhan, kasama, sabi ko nga sa sarili ko kung naging babae lang sya pakakasalana ko sya. isang araw nagtapat sya sa akin na gusto daw nya ako, hindi nya alam kung bakit pero taglay ko daw ang ugali na gusto nyang mapangasawa, nagulat ako kasi yun din ang naiisip ko sa kanya, pinagtagpo cguro kami ng tadhana, nagpasya kaming palaguin ang ganitong relasyon hanggang kami ay nagsama sa isang bubong, hindi ko mapaliwanag kung ano ang meron kami, para kaming mag asawa pero dalawa kaming lalaki, sa labas ng bahay kami ay mag bestpren pero sa loob ng bahay kami ay magkasintahan, mahirap ang aming kalagayan pero masarap, pagkatapos ng 4 na taon, eto na naman, mawawala na naman sya, aalis sya patungo sa ibang bansa an duon na maninirahan, bumalik na naman ang sumpa sa akin, hindi ko alam kung bakit palaging nangyayari sa akin ito, masakit para sa akin na mawalan ng 3 taong minahal ko pero kelangan kong maging matatag, inakala ko na sa pag alis ko sa amerika at sa pag tira ko dito sa pilipinas ay maiiba na ang landan ng buhay ko, naiba nga pero isa pa din ang resulta at yun ay ako ay mag isa, sa ngayon ay umaasa pa din ako na makakakita ng isang tao na magmamhal sa akin at habangbuhay kong kasama, alam ko na kaya ito ay nangyayari sa akin ay alam ng may kapal na kakayanin ko ito at sa dulo ng aking paglalakbay, matatagpuan ko din ang taong makakasama ko hanggang kamatayan

No comments:

Post a Comment