Sunday, March 8, 2009

electricfan, bola at cellphone

kasama ko na naman yung dalawang pamangkin ko kahapon, this time sa mall kami nagpunta. first thing that we did e nagpunta sa appliance store, hanap kasi ako electricfan para dun sa pamangkin kong babae, ayun unang kita pa lang nya nagustuhan nya yung isang fan, kulay violet kasi, kasing kulay ng gown na isusuot ng mga abay sa kasal ko, hahahahaha, then we went to bench kasi gusto daw nila ng shorts, kaso walang kumasya dun sa pamangkin kong babae, she is 13 yrs old, stands 5'6 approx 150lbs, laking babae d b. tapos nung wala syang nakita, sabi kain na lang tayo, hahaha, ayun nagpunta kami sa isang chinese resto, wala na naman sialng tigil sa kakaorder, siomai, siopao, mami, beef ewan kanin, ako since bumalik na ako sa pag gygym e unti lang kinain ko, tipong half rice, shrimpo dumplings at ice tea, sus sueryoso na ako sa pagpapaganda ng katawan simula nung nagsimula ako kasi yung gym instructor ko eh sobrang hot, hahahahaha, anyway its a different story na ipost ko one of these days kaso alam na ni PGR kung ano nangyari sa amin nung gymn instructor ko, ahihihihihi, PGR titigilan ko na kakalandi.

going back, ayun after eating nagparining yung pamangkin ko, "uncle tutal summer na ibili mo naman ako ng bola ng volleyball" player kasi sya at nililigawan na ng isang exclusive university sa manila para maglaro for them sa uaap. punta kami toby's, she did not expect na yung mikasa na latest model ang bibilhin ko para sa kanya, nagastusan man ako ng almost 2k, ayun nagtatalon sa tuwa yung pamangkin ko. yung pamangkin ko namang lalaki humirit din ng pabulong, "uncle dagdagan mo naman pera ko kasi bibili ako ng cellphone". e d punta kami na cellponan, dun sya tumitingin sa mga 2nd hand, tapos nagulat na lang sya kasi may itinuro syang cellphone, sabi nya "unhcle yun gusto ko oh mura lang 1k lang, nagulat na lang sya kasi hindi nya expected na nakabili na ako ng brand new cellphone para sa kanya, ayun nagtatalon naman sya.

hindi talaga mabibili ng pera mga sukling sngiti nung dalawang pamangkin ko kahapon, gaya nung ng food trip kami, medyo mas malaking pera nailabas ko ngayon pero hindi mababayaran yung ngiti sa kanilang mukha na nakita ko mismo. sana araw araw makita ko yung mga ngiting yun sa kanila, iba kasi yung sukling tuwa sa iyo pag ginawa ka sa kanilang maganda. sbai ko lang sa kanila, mag aral ng mabuti, nag promis naman sila na mag aaral sila kasi sila mag aalaga sa akin pag tanda ko, bwahahahahahahahahahahaha