Thursday, February 26, 2009

washing machine at baboy

pakshet!!!!!!! the only word that i wasa able to utter when i saw our washing machine. apparently it burst into flames while our helper was doing the loundry. my mom and my tita was eating that time, they were able to smell something burning but did not care to make anything about it since it is a common thing. while the helper went to the laundry place to check, she was surprised by the flames that greeted her. she uttered "ate nasusunog nagliliyab". mom and tita hurriedly rushed to the laundry area to check and what they saw was flames. the helper immeditely pulled out the plug and directed the waterhose to the burning appliance. good thing our helper was able to control the flames. what a relief, i am in the process of renovating my house, though it has not started yet, still have to raise a few more thousands to complete my dreamhouse.

i emmediately texted my baboy to tell him what happened. when he found out everything is fine, his immediately made fun of me just to make me relax. hehehe i adore my baboy so much. hehehehe i wish he would not call me "bhe". he knows that i do not like him calling me "bhe" that's why he keeps calling me that name to make me irate, but instead of being irate, i feel more flattered but i do not tell him ofcourse, hehehehe buti nga sa iyo baboy ko. hahahahaha.

we talked for about 3 hours on the phone while watching tv together, praning d b, ganun ata pag inlove ka, hahaha, pag nilipat nya tv, dapat ilipat ko ulit, i read my horoscope and guess what, leo and capricorn daw ang magandang partner, well im a leo he is a capricorn and we were born on the 13th day of the month, parehong demonyo hahahahaha.

to my baboy, you dont know how much i care for you, how much i long for you, how much i miss your big tummy hehehehehe. to my baboy, i know your previous relationship was a disaster pero i promise ours will not. to my baboy, i hope i will be your last and you my last. to my baboy, i love you!!!!!!!!!!

Wednesday, February 25, 2009

Ewan, G4m, at Baboy

bakit palaging mahirap simulan ang isang blog? hindi mo alam kung ano isusulat mo sa dami ng nasa isip mo. hindi ko alam kung sisimulan ko sa "masaya ako" kasi kausap ko na naman "baboy ko" o malungkot ako kasi 2 sa mga kaibigan ko ay may nangyaring masama, o kakainis kasi ang aga ng pasok ko. pero in the end, natatapos ko din naman. matagal na din ako nag blog kaso dito sqa site na ito bago lang. madalas akong mag blog sa isang korean blogspot, siguro mahilig ako mag aral ng kung ano anong salitang banyaga.

kanina din may nabasa akong blolg ng isa sa mga kasama kong nag night swiming nung sabado. natuwa ako kasi hindi ko inakalang maganda ang mga nasabi nila sa akin. napansin pala nila mga kilos ko. para sa akin, ang mag alaga ng isang tao, kaibigan man o katipan, ay normal lang. pag kailangan nila ako, anjan ako palagi. minsan sinasabihan din ako na unahin mo sarili mo bago ang iba, kaso talagang hindi ko ugali ang unahin ang sarili ko. mas nasisiyahan ako pag nakikita kong masaya mga tao sa paligid ko. normal na cguro sa akin ang ganun. nung mabalitaan kong nagkatuluyan ang 2 kong kaibigan ay sobra ang saya ko para sa kanila. bagay sila. nung nakita kong magkasama buong gabi ang 2 kong kaibigan, mas masaya ako para sa kanila kasi nakita ko ang mga ngiti nila sa mukha na hindi ko alam kung papano ko maipaliwanag. nung nabasa ko ang iasng blog ng isa sa aking kaibigan na sya ay masaya at nakita na nya ang taong matagal na nyang hinahanap, naging masaya din ako para sa kanya.

siguro talagang normal na sa akin ang may ngiti sa mukha. kung hindi ba naman ako ngingiti e d lalo akong nagmukhang holdaper, hehehehe. oo yan ang palaging description ng tao sa akin. mukhang holdaper, mukhang manyak, mukhang tambay sa kanto ni aling syon, mukhang manginginom sa beerhouse pero nangingiti ako pag sinabihan nila ako na, iba talaga ang ugali ko sa itsura ko. kanina lang may nag message sa akin sa isang site, eto ang palitan namin ng mensahe,

4 Feb 2009, 14:07
mastercedrik: nice profile 24 Feb 2009, 16:26
You: salamat pare, good to know may mga taong nagbabasa pa din ng profile dito, hehehe

btwxxxxxx panglaan ko, ikaw? 25 Feb 2009, 10:28
mastercedrik: xxxxx pare, 25 Feb 2009, 15:28
You: pare musta naman? nga pala, isa na kong byudo, 2 na anak ko, xx na din ako medyo may idad na hehehe, taga xxxxxx nga pala ako pero working sa xxxxxi. 25 Feb 2009, 22:07
mastercedrik: ahhh tanx pare, sorry to hear that.

single parent ka pala. 26 Feb 2009, 00:12
You: oo single parent na ako, kaya medyo mahirap para sa akin, pero katulong ko naman mga foster parents ko sa pagpapalaki sa aknila, actually wala sila dito sa pinas, minsan sila dumadalaw minsan ako, masaya naman ako sa buhay na ganito pero mahirap,

ikaw pare ilang taon ka na ba? working ka ba? 26 Feb 2009, 00:15
mastercedrik: AKO xx

YEAH WORKING NA DIN.

PERO BALAK KO MAG ABROAD SANA,


WALA KA YATANG PIC SA PROFILE MO AH 26 Feb 2009, 00:24
You: yeah wala nga, nakasulat naman dun rason kung bakit, mahirap sa kalagayan ko kasi, nagbibigay din ako pero mas ok sa akin yung kikitain ko na lang ng personal, para naman magkakilala kami, maging mabuting kaibigan 26 Feb 2009, 00:29
mastercedrik: OO NGA

PERO MAS OK SANA KAHIT SA CAM PARA MAKITA KO NA RIN ANG KAUSAP KO 26 Feb 2009, 00:33
You: actually totoo pero kung ibabase natin sa itsura ng tao, wala tayong makukuha, ang itsura kasi hanggang bata lang yan at alam kong alam ko yan, ugali kasi yun opapakisamahan natin, ako kasi wala ako pakelam sa itsura ng tao, basta mabait, masarap kasama, madali kong maging kaibigan, para sa akin, hindi ko na kailangan makita kausap ko, or magkaron man lang ng idea kung ano itsura nya, kasi ang isang larawan hindi makakapagdetalye sa ugali at katauhan ng isang tao. pag ibinase natin sa itsura, para na ding sinabi nating, ay pangit ugali nya kasi pangit sya o mukahng mabait sya kasi ang bait ng itsura nya, yan yung ginagawa nating limitasyon sa pagbabase sa itsura, pero ako ayaw ko ng ganun, kinikilala ko ang tao 26 Feb 2009, 00:36


mastercedrik: I THINK WE HAVE THESAME VIEWS pare.

good for you, youre not after physical appearance 26 Feb 2009, 00:45
mastercedrik: log out na ko tol mukhang busy ka na eh

ingat palagi


fred 26 Feb 2009, 01:23
You: oo, kasi wala naman mararating kung ibabase ko sa appearance ng tao ang pag tingin ko sa kanila,

pare keep in touch. sana maging ok tayong ka

hindi man ako nagpakita ng larawan, pero sigurado ako na naiparating ko sa kanya kung ano ako bilang isang tao at bilang isang kaibigan. sa totoo lang hindi na ako naghahanap ng katipan dahil sigurado ako sa isang tao ngayon. kung mababasa mo man ito, alam mo kung sino ka, dito ko lang masasabi ang totoo na hindi ko masabi sa iyo. MAHAL NA KITA!!!!

Tuesday, February 24, 2009

kwek kwek at halo halo

kanina lumabas kami ng dalawang pamangkin ko, nag food trip lang kasi wala akong barya na pamasahe mamya pag pasok ko sa work. una kong nakita yung pamangkin kong babae, niyaya ko syang kumain, tapos lumabas sa banyo yung pamangkin kong lalake, niyaya ko na din. naglakad kami papuntang gate ng village kasi andun yung kainan, may tindang halohalo at mami. gusto ko sana bilobilo kaso walang tindang ganun kaya mami at halo halo na lang. ayun solve busog sarap ng kain naming tatlo. nung pauwi na kami, nagparinig yung pamangkin kong lalaki na sana anjan si manong matanda kasi masarap tinda nyang kwekwek.buti na lang andun, kaya sugod kami sa cariton ni manong. tuwang tuwa ako habang nakikita kong enjoy ang dalawang pamangkin ko tumutuhog ng tinda ni manong kasi ngayon lang daw sila nakakain ng walang limitasyon. dati magiisip pa sila kasi eksakto lang pambayad nila, kanina ayun parang party daw kasi kahit ano itusok nila sa stick, ok lang. pagkatapos naming sa cariton ni manong punta kami ng tindahan para uminom ns softdrinks. ayun pili na naman sila.

tinanong ko yung pmangkin kong lalaki bakit hindi sya pumasok, sagot sa akin wala daw sya pambaon sa school kasi walang pera nanay nya na kapatid ko.

wala pang 100 pesos ang nagastos ko pero pakiramdam ko lampas isang milyon ang nailabas ko, bakit? nakita ko kasing masaya ang dalawang pamangkin ko habang enjoy silang kumakain ng walang patid. iba ang sukling ngiti ng mga mahal mo sa buhay. ngayon linggo linggo ko nang gagawin ito para sa kanila.

Monday, February 23, 2009

Kaibigan para sa iyo ito

Talking to a friend sa Ym kanina lang, aalis na sya babalik na sya sa probinsya para magtrabaho, medyo senti mode na naman kaibigan ko pero sabi nya na realize na nya at he is over. 3 days na syang senti simula nung bumalik sa manila, sabi ko na lang sa kanya na maging kuntento sa kung ano meron sya. Alam ko na medyo magagalit sya pag nabasa nya ito pero alam ko na pag nabasa nya to, ma realize nya na madaming tao ang nagmamhaal sa kanya at isa na ako dun. Sa totoo lang, december lang kami nagkakilala, pero matagal na pala kaming magkasama. isang school lang pala pinangalingan namin nung dito ako nag aral sa pinas at nagin maestra pa nya nanay ko sa pagtugtog ng piano.

Kami ang dalawang buraot sa grupo namin, sya yung tipong akala mo e suplado pero sa totoo lang, mabait sya. Ako yung tipong akala mo e bubugbugin ka pag tinignan mo ng masama pero kung trip kita e kiss ang ibibigay ko sa iyo, hehehe. halos araw araw magkausap kami sa ym, kwentong buhay, minsan asaran. pero if there is one thing na katangian na nakita ko sa kanya, yun ay ang pagiging totoong kaibigan.

Kung tutuusin3 times pa lang kami nagkakasama pero parang ang tagal na naming magkaibigan. turing ko sa kanya ay bunsong kapatid. sya yung parang pulis ko sa pagkain kasi alam nya may karamdaman ako sa puso, ako naman ang guro nya sa kanyang pang araw araw na buhay. Kahit sabihin mong busy kami, nagkakaron pa din kami ng oras para mag usap kahit sandali lang.

Ngayon kahit online sya sa YM, ang status message nya e "getting ready to leave'. alas 7 ng gabi ang flight nya pagbalik sa probinsya. gusto ko sana syang ihatid sa airport pero may trabaho ako kaya hindi pwede, pero sigurado ako na alam nya na pinagdadasal ko ang kanyang paglakbay papunta probinsya. madami akong gustong sabihin sa kanya pero limitado ang aming oras. kahit sabihin mong iang bayan lang kami nakatira, may sarisarili kaming buhay at madaming inaasikasong bagay.

kahapon lang may nabanggit sya sa akin na malungkot sya, depress sa kanyang lovelife, payo ko sa kanya e maging kuntento kung ano meron sya at wag hanapin ang wala sa kanya. isang sentence lang binigay ko sa kanya. "dont get someone you wnat since if you do, it is the start of the downfall, get someone that you need because if you do, it is the start of your fullfilment in life". kaninang umaga sabi nya ok na daw sya, isip ko naintindihan nya kung ano ibig kong iparating sa kanya.

Sa iyo kaibigan, mayrong tao jan na magmamahal sa iyo. Fate and Time will just whisper if you are ready and if you get that whisper, bigla na lang sya dadating sa buhay mo. Wag ka magmadali, baka sumemplang lang relasyon mo pag nagmadali ka. Live each day to the fullest ika nga nila, at ang taong mamahalin ka ng tunay ay kakatok na lang sa puso mo. Tandaan mo lang palagi na ang taong magmamhal sa iyo ng tunay ay ang iassng toang hindi mo aakalaing magiging kabiyak mo. Buksan mo puso mo, buksan mo isipan mo. buksan mo na din zipper mo. hehehe

mahal ka naming lahat, yan ang tandaan mo!!!

AYAW KO NG TULDOK

,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,, kung mapapansin mo, hindi tuldok and simula ng nito. bakit? sa buhay ng tao, pag nilagyan mo ng tuldok, ibig sabihin katapusan na, ayaw ko magtapos ang bihay kong ito sa ngayon, madami pa akong gustong gawin, madami na din akong naranasang mga bagay, ito ang gusto kong ilahad ngayon,

15 lang ako nung nakabuntis ako ng babae, 17 sya nun, kapatid sya ng best friend ko, nung natuklasan ng mga umampon sa akin, agad agad nilang pinuntahan ang pamilya ng babae, nuong mga araw na iyun sa torrance pa ako nakatira, nagkasundo ang amng mga magulang na wag muna kami ipakasal sa halip magsama kami sa isang bungbong, aug 111 ng ipinanganak ang aking panganay, ito ay malaking regalo sa akin dahil aug 13 ang aking kaarawan, lumipas ang 2 taon, nagsadya ang aming mga magulang na kami ay ipakasala dahil na din siguro na napatunayan ko sa kanla na kahit ako ay bata pa, naipakita ko sa kanila ang maging isang responsableng ama sa aking asawa at maybahay. aug 13 din ng kami ay ikasal ng aking asawa kaya doble ang laki ng regalo sa akin, lumipas pa ang 3 taon, ipinanganak aking aking bunso pero may sumalubong na dalubyo sa aming buhay, sinabihan ako ng mga espesyalista na maaring hindi mabuhay ang isa sa aking anak o asawa, sa murang idad na 20, ito ang isa sa pinakamabigat na desisyon na gagawin ko sa buhay ko, 2 araw pa lang nakakalipas ay kaarawan ko at ako ay nahaharap sa ganitong desisyon, sinabihan ko ang espesyalista na kung sino ang mas may malaking tyansa na mabuhay, yan lang ang nasabi ko sa espesyalista. aug 15 isinilang ang aking bunso aug 15 din nawala ang aking minamahal na asawa, masayang malungkot ang buhay dahil nagkaroon at nawalan ako ng mahal sa buhay, sa kadahilanang kailangan ako ng aking mga anak, hindi ko na ininda ang pagkamatay ng aking asawa bagkus inasikaso ko na lang ang aking mga anak, mahirap para sa akin kalimutan agad ang aking minamahal pero kailangan kong gawin para maasikaso ang aking mga anak, minsan tumutulo na lang ang luha ko pag nag iisa ako, minsan sa kotse pag pauwi ako, minsan sa kusina, kahit saan, dumaitng ang araw na may nakilala akong isang dalaga na nagpatibok ulit ng puso ko, masaya kami hanggang sa iang araw ay nabalitaan ko na lang na naaksidente sya at nabangga ng isang trak ang autong minamaneho nya, dun ako nagsimulang nag isip na bakit lahat ng minamahal kong ay nawawala sa akin, una ang aking mahal na asawa pangalawa ang kasintahan ko, nagpasya akong umuwi sa pilipinas at magsimula muli ng aking buhay, iniwan ko ang aking mga anak sa mga taong umampon sa akin at umuwi sa tunay kong magulang sa pilipinas. taong 1993 ng bumalik ako sa pinas, kahit pabalik balik ako sa pinas para mag aral, ngayon ang pasya ko ay para tumira na dito sa lupa ng aking sinilangan, mahirap pala kasi kahit dito ako nag aral, iba pa din pag dito ka nakatira, iba ang ugali ng tao, iba ang ekonomiya, talagang ibang iba, dito sa pinas, pag alam ng tao na galing kang ibang bansa, pagkakaguluhan ka, kaya madami akong nakasalamuhang magagandang dalaga, sa aking pagkakaalam ay nagkaron ako ng isang anak sa isa sa kanila. pero taon 2004 talaga nagsimula ang buhay na tinatahak ko ngayon, itong taon na ito may nakilala akong isang lalake na nagngangalang buraot. napakabait nya sa akin at sya ang tipo ng tao na talagang masarap ka kwentuhan, kasama, sabi ko nga sa sarili ko kung naging babae lang sya pakakasalana ko sya. isang araw nagtapat sya sa akin na gusto daw nya ako, hindi nya alam kung bakit pero taglay ko daw ang ugali na gusto nyang mapangasawa, nagulat ako kasi yun din ang naiisip ko sa kanya, pinagtagpo cguro kami ng tadhana, nagpasya kaming palaguin ang ganitong relasyon hanggang kami ay nagsama sa isang bubong, hindi ko mapaliwanag kung ano ang meron kami, para kaming mag asawa pero dalawa kaming lalaki, sa labas ng bahay kami ay mag bestpren pero sa loob ng bahay kami ay magkasintahan, mahirap ang aming kalagayan pero masarap, pagkatapos ng 4 na taon, eto na naman, mawawala na naman sya, aalis sya patungo sa ibang bansa an duon na maninirahan, bumalik na naman ang sumpa sa akin, hindi ko alam kung bakit palaging nangyayari sa akin ito, masakit para sa akin na mawalan ng 3 taong minahal ko pero kelangan kong maging matatag, inakala ko na sa pag alis ko sa amerika at sa pag tira ko dito sa pilipinas ay maiiba na ang landan ng buhay ko, naiba nga pero isa pa din ang resulta at yun ay ako ay mag isa, sa ngayon ay umaasa pa din ako na makakakita ng isang tao na magmamhal sa akin at habangbuhay kong kasama, alam ko na kaya ito ay nangyayari sa akin ay alam ng may kapal na kakayanin ko ito at sa dulo ng aking paglalakbay, matatagpuan ko din ang taong makakasama ko hanggang kamatayan